LEGAZPI CITY – Nanawagan ang Technical Education And Skills Development Authority sa mga Bicolano na samantalahin ang mga libreng scholarships na inaalok ngayon ng tanggapan.
Ayon kay Technical Education And Skills Development Authority Albay Supervising Specialist Ging Atienza na maraming mga paaralan ang binibigyan ng slots upang makapag alok ng libreng skills training.
Kabilang sa mga training ang composting, painting, bartending, welding, appliances repair, drone operations, table napkin folding at iba pa.
Oras na makatapos sa training ay magsasagawa ng assesment ang ahensya sa mga natutukan ng scholar at bibigyan ng certificate kung makapasa.
Ayon kay Atienza na maaring magamit ang sertipikasyon sa paghahanap ng trabaho hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang mga bansa na naghahanap ng mga skilled workers.
Panawagan naman ng opisyal sa publiko lalo na sa mga wala pang trabaho na huwag sayangin ang pagkakataon na ibinigay ng pamahalaan at mag-enroll para sa mas maraming oportunidad.