LEGAZPI CITY- NNararamdaman na rin ngayon sa Poland na katabi lamang ng Ukraine ang tensyon dala ng pag-atake ng Russia.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Chito Tec ang Bombo International Correspondent sa Warsaw, Poland, nagkakaroon na ng panic buying ng mga produktong petrolyo sa South East na parte ng bansa kung saan pumapasok ang mga Ukrainian na tumatakas sa kagulohan.
Sa ngayon tumaas na sa 300% ang demand sa produktong petrolyo kung kaya mabilis ang naging pagtaas ng presyo nito.
Mahigpit rin na binabantayan ng mga otoridad ang sitwasyon kung saan dinagdagan pa ang mga sundalo na nakabantay sa border ng Poland at Ukraine.
Nagpadala na rin ng dagdag na pwersa ang Estadus Unidos at ang North Atlantic Organization Organization (NATO) na tiniyak na dedepensahan ang Poland sakaling madamay sa pag-atake ng Russia.
Pinayohan naman ng gobyerno ang mga residente lalo na ang mga nakatira malapit sa border na mag-ingat at iwasang lumapit sa war zone upang hindi madamay sa kagulohan.