LEGAZPI CITY- Matagumpay na nailigtas ng mga tauhan ng Legazpi City Fire Station Special Rescue Force ang umanoy pagtatangka ng isang teenager na kitilin ang sarili nitong buhay.
Ayon sa impormasyon na umakyat ang hindi na pinangalanan na biktima sa puno ng anahaw at nagtangkang mag-suicide sa Baranga Bagong San Roque, Sto. Domingo Albay.
Dahil dito ay agad naman na nagsagawa ng aksyon ang mga kinauukulan.
Naglagay ang rescue team ng rescue net para masigurong ligtas ang biktima.
Naging matagumpay naman ang isinagawang negosasyon ng mga otoridad at nakumbinse ang naturang teenager na bumaba sa naturang puno.
Naibalik naman ito sa kaniyang pamilya matapos ang insidente.