Muling nangibabaw ang koponan ng USA laban sa South Sudan upang makuha ang 103-86 win sa men’s basketball sa nagpapatuloy na Paris Olympics.

Dahil dito ay hawak na ng USA ang 2-0 na kartada at secured na ang pagpasok sa quarterfinals.

Sa kasalukuyan ay nangunguna na ang Team USA sa Group C standings.

Nanguna si Bam Adebayo na nakapagtala ng 18 points, 7 rebounds, at dalawang blocks habang si Kevin Durant ay nagdagdag rin ng 14 puntos.

Nakuntento naman sa 12 points si LeBron James habang tig-sampung puntos naman ang nagmula kina Derrick White at Devin Booker.

Sa kabilang banda, nanguna naman si Nuni Omat para sa South Sudan na nakapagtala ng 24 points ay Carlik Jones na may 18 points.