LEGAZPI CITY – Ikinatuwa ng Teachers Dignity Coalition ang pagiging bukas ng Department of Education sa mga suhesyon ng mga guro kaugnay sa pagbabalik sa dating old school calendar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Teachers’ Dignity Coalition Chairperson Benjo Basas, payag ang education department na paikliin ang transition papunta sa dating school calendar na June to March.

Posibleng isang taon na lang mula sa limang taon ang hihintayin para wala ng pasok sa buwan ng Abril at Mayo.

Ayon kay Basas, inaasahang sa susunod na taon o sa School Year 2024-2025 ay hanggang Abril 16 na lang ang pasok ng mga mag-aaral.

Aminado ito na nakokompromiso ang learnings o pagkatuto ng mga estudyantesa mga ipinapatupad ngayon na asynchronous classes o distance learning modalities.

Inhayag ng opisyal na mas may natututunan pa rin ang mga kabataan sa face to face classes dahil natututukan ng mga guro ang pag-aaral.

Kaugnay nito, umaasa si Basas na matuloy na ito upang hindi nasasakripisyo ang pag-aaral at kalugusan ng mga estudyante at mga guro.