LEGAZPI CITY – Umaasa ngayon ang grupo ng mga guro na maisasakatuparan ni President Ferdinand Marcos Jr ang mga pangako nito sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa loob ng kanyang termino.
Partikular na tinukoy rito ang pangakong umento sa sahod ng administrasyon na may apat na tranches kung saan maguumpisa ngayong taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Teachers’ Dignity Coalition (TDC) Chairman Benjo Basas sinabi nitong nagpapasalamat sila kung agaran itong mangyayari.
Habang hindi naman nawawala ang pag-asa nito sa administrasyon na maglalabas ng Executive Order at agarang implementasyon sa sinabi nitong walang teacher na magreretire ng teacher 1 o Expanded Career Progression System.
Dagdag pa ni Basas na mas naging maganda ang laman ng SONA ng presidente ngayon kung ikukumpara sa nakaraang dalawang SONA nito ngunit meron pang kailangan ayusin.
Samantala, ang pagiging specific umano ni Marcos jr. ang rason ng 7.5 out of 10 na grado nito.|| Bombo John Salonga