LEGAZPI CITY – Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang listahan ng mga guro na magiging bahagi ng bagong development ng edukasyon sa Pilipinas sa ilalim ng new normal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi ki Mary Jean Llevares, Teacher-Broadcaster sa Masbate City, lubos ang pasasalamat nito matapos na mapabilang sa nasabing listahan bilang isa sa mga magtuturo sa pamamagitan ng TV-based instruction.

Magiging suporta ng modular learning ang TV-based instruction kasama ang radio-based modality upang masundan ng mga estudyante ang mga aralin.

Tiniyak naman ni Llevares na mai-enjoy ng mga estudyante ang bagong karanasan sa pag-aaral.

Ito na rin umano ang tamang panahon upang maipakita ng mga guro ang dedikasyon sa trabaho at gagawin ang makakaya upang tiyak na may matututunan ang mga mag-aaral.

Ayon kay Llevares, masaya sa pakiramdam na maging parte ng solusyon, maibigay ang pangangailangan ng mga estudyante at maipagpatuloy ang pag-aaral kahit nasa loob lamang ng bahay.

Mary Jean Llevares, Teacher-Broadcaster sa Masbate City