Doctors were unable to save a taxi driver after his companion stabbed him with a chicken "tari" in Catitipan, Buhangin in Davao City just in front of the Davao International Airport.

Hindi na nailigtas ng mga doktor ang isang taxi driver matapos pagsasaksakin ng kasama nito gamit ang isang “tari” ng manok sa Catitipan, Buhangin sa Davao City sa harap lamang ng Davao International Airport.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktima na si Ramil Pacatang, residente ng Sonlon, Asuncion, Davao Del Norte, habang ang suspek ay kinilalang si John Michael Mariano Pulvera, isa ring taxi driver, residente ng Lapu-Lapu, Jerome Agdao, Davao City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Buhangin police, naganap ang pananaksak dakong ala-1:00 ng hapon kahapon kung saan nagtalo at nag-away umano ang dalawa dahil sa pag-park hanggang sa nauwi sa pananaksak ng tari sa suspek.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.

Samantala, naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek matapos ang insidente.

Nabatid na ang biktima at ang suspek ay salitan sa labas ng airport para sa mga pasahero mula sa eroplano.

Inihahanda na ang kasong homicide laban sa suspek.