LEGAZPI CITY – Nakatanggap ng award ang tatlong tauhan ng Public Safety Office ng Daraga dahil sa kanilang matibay na pagtupad sa tungkulin.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Lorenzo Bañas ang tagapagsalita ng Public Safety Office ng Daraga, binigyan ng Certificate of Commendation ng Daraga Municipal Police Station ang kanilang mga tauhan na sina Jimmy Lotivio, Rufie Monterde, at Shiela Mujar.
Ang tatlo ang rumesponde sa nangyaring pagnanakaw sa Rizal Street nitong Hunyo 25 kung saan biktima ang isang estudyante.
Humingi ng tulong ang biktima sa mga nakabantay na tauhan ng Public Safety Office na agad naman na rumesponde at nagresulta sa pagkakahuli ng snatcher.
Ipinagpapasalamat ng Daraga Municipal Police Station ang malaking tulong na naiambag ng mga Public Safety Officer upang mahuli ang suspek at mapangalagaan ang katahimikan sa bayan.
Maliban sa tatlong tauhan ng Public Safety Office, nabigyan rin ng kaparehong pagkilala si Rommel Mendevel na nagawang mahuli ang isang suspek na naaktohan na gumagamit ng iligal na droga sa Barangay Kilicao noong Hunyo 3.