LEGAPZI CITY-Inilikas ang nasa tatlong pamilya dahil sa malaking sinkhole na bumulagta sa kanilang bahay sa Purok 8, Brgy. Masarawag, Guinobatan Albay.


Ayon kay Maria Teresa Baluyot, isa sa mga apektadong residente sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nagsimula ito noong November 12, sa kasagsagan ng Bagyong Uwan ngunit nadagdagan ito ngayon mula sa likod at harapan ng kanilang bahay.


Dagdag pa niya na nadodoble ang lawak nito kung saan umabot na sa kapitbahay at paligid ng kanilang kongkreto.


Nangangamba sa ngayon ang kanilang pamilya, dahil posible umanong lumubog ang kanilang buong bahay anumang oras.


Nananawagan ngayon ang mga apektadong pamilya sa local government unit ng agad na tulog at kung maaari ay isang relocation site dahil sa hirap ng kanilang sitwasyon.