Ipinag-utos na ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang malalimang imbestigasyon sa nangyaring pangho-hostage ng mga inmates sa dating Senadora na si Leila De Lima sa loob ng PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Kinilala na ang mga suspek na sina Arnel Cabintoy, Idang Susukan at Feliciano Sulayao Jr. na nagtangkang tumakas subalit napatay ng mga rumespondeng pulis.

ge

Unang napatay ng otoridad sina Cabintoy at Susukan matapos na saksakin ang isang pulis habang nakatakbo si Sulayao sa custodial cell ni De Lima at dito na nangyari ang pangho-hostage sa dating senadora.

Sinubukan pa ng mga miyembro ng Special Action Force na pakiusapan ang suspek subalit nagmatigas ito kung kaya pinaputokan at napatay rin ng mga otoridad.

Balik na sa ngayon sa normal ang sitwasyon sa Custodial Center at napahupa na ang tensyon habang nasa ligtas na kondisyon si De Lima.