LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Provincial Health Office sa Bombo Radyo Legazpi na tatlong empleyado ng provincial government ang nagpositibo sa coronavirus disease.
Inihayag ni Albay PHO head Dr. Antonio Ludovice na batay ito sa isinagawang RT-PCR test sa mga empleyado.
Unang nagpositibo ang dalawa subalit hindi pa umano matukoy ang history of travel at kung saan posibleng nakuha ang virus.
Habang ang isang nagpositibo ay direct contact ng dalawa.
Pawang dinala sa PUI Building sa Jose Belmonte Duran Albay Provincial Hospital sa lungsod ng Ligao ang mga nagpositibo.
Nabatid pa kay Ludovice na nasa 10 namang suspects na nakasalamuha ng tatlo ang naka-quarantine ngayon sa Regional Rehabilitation Center for Youth na pansamantalang holding facility sa mga ito habang naghihintay ng test results.