LEGAZPI CITY- Natupok ng apoy ang tatlong classrooms ng San Antonino Elementary School sa Brgy. San Antonio (Sapa), Pilar, Sorsogon.
Ayon kay Senior Fire Officer 1 Sherwin Jay Suarez, ang Chief Investigation and Intelligence Unit ng Bureau of Fire Protection Pilar sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na tumagal ng nasa isang oras bago naapula ang sunog.
Ayon kay Suarez, tatlong classroom sa Old building ng nasabing paaralan ang natupok.
May ilan rin aniyang mga kagamitan ang napinsala kagaya na lamang ng mga instrumento sa Drum and Lyre.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga kinauukulan ang sanhi ng sunog subalit sa ngayon ay tinatayang aabot sa 30,000 ang pinsala ng nasabing insidente.
Samantala, magsasagawa umano ng assessment ang pamunuan ng paaralan upang mapagplanuhan kung paano mapapalitan ang mga classrooms lalo pa’t ilang araw na lang ay magbubukas na ang klase.