LEGAZPI CITY – Nailigtas ng Coast Guard District Bicol ang tatlong kalalakihang beachgoers matapos tumaob ang sinasakyan nitong sibid-sibid banca sa isang beach sa Barangay Badian, Oas, Albay.
Ayon kay Coast Guard Bicol spokesperson Ensign Alysa Bermal sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na habang nagsasagawa ang kanilang mga personel ng Baywatch Patrol sa nasabing beach ay namataan nila ang nasabing insidente kaya’t agad silang nagsagawa ng rescue operation para masagip an tatlong beachgoer sa pagkakalunod.
Base man sa kanilang report ay hindi umano inasahan ng mga biktima ang paglubog ng sinasakyang bangka dahil sa lakas at bilis ng kanilang pagsagwan.
Aniya, nagbigay rin nin ng pahirap sa kanila ang walang karanasan sa paglangoy kaya’t hindi sila nakaalis kaagad ng tumaob ang nasabing bangka.
Sinabi pa ng opisyal na matapos madala sa pampang, ay may isang beachgoer din ang nagpakilala bilang isang lisensyadong nurse ang tumulong sa pagbibigay ng first aid.
Sa ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan ang nasabing mga kalalakihan na kapwa residente ng bayan ng Libon, ng kaparehong provincia.
Simula kahapon ay umabot na sa dalawang katao ang namatay dahil sa pagkalunod at pwede pa umano itong tumaas dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga maliligo sa mga ilog at dagat ngayong easter sunday.
Paalala ni Bermal sa mga bakasyonista ang palaging pag-iingat partikular na ang paglangoy sa dagat, sundin ang regulasyon ng mga otoridad at huwag papabayaan lumangoy mag-isa ang mga bata at mga nasa impluwensya ng alak.