LEGAZPI CITY – Negatibo pa ang ilang araw na paghahanap ng mga awtoridad sa nahulog na binatilyo sa motor banca sa karagatang sakop ng Brgy. Marintoc, Mobo, Masbate.

Isang 19-anyos na lalaki ang biktima na residente ng Barangay Armenia sa bayan ng Uson, Masbate.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mobo Municipal Risk Reduction and Management Office Head Richard Lupango, nasa tatlong araw na ang isinasagawang search and retrieval operations subalit hindi pa rin mahanap ang katawanan ng biktima.

Sinabi nito na maraming cave rocks sa pinangyarihan ng insidente kaya posibleng nakapailalim o baka naipit ang katawan ng biktit, kaya hanggang sa ngayon ay hindi pa lumulutang ang katawan nito.

Hiniling na rin ni Lupango ang tulong ng mga divers ng Philippine Coast Guard upang mabilis na mahanap ang biktima.

Inihayag ng opisyal na titigil lang sa paghahanap ng mga awtordad kung sakaling hindi pa mahanap sa loob ng 10 araw.