LEGAZPI CITY – Aminado ang grupo ng OCTA Research na mahihirapan ang bansa na maabot ang herd immunity bago matapos ang kasalukuyang taon.

Una ng inihayag ng pamahalaan na target na mabakunahan ang nasa 1.5 million na Pilipino araw-araw upang matiyak na magiging masaya ang Pasko.

Subalit ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, malabo itong mangyari dahil kasama na rito ang hamon sa pag-deploy ng mga COVID-19 vaccines sa mga lalawigan.

Mas kakayanin pa aniya kung 500,000 lamang ang target na mabakunahan araw-araw bago matapos ang taong 2021.

Kumpiyansa naman si David na baka sa unang quarter ng susunod na taon ay posibleng mabakunahan na ang 70 percent na populasyon ng bansa.

Oras na mangyari ito tiyak na ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa maging ang pagbabalik ng face to face classes.