Legazpi City- Nakahanda na ngayon ang Schools Division Office ng Albay sa isasagawang taunang Brigada Eskwela sa mga paaralan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ma. Eloisa Arellano, Officer-in-Charge, Brigada Eskwela 2024 ng Albay Division Office, nag-organisa ang kanilang tanggapan ng isang komitiba para sa Regional launching nito noong Martes, July 9, maging ang isasagawang simultaneous launching ng kabuuang labinlimang munisipyo sa nasabing probinsiya sa darating na ika-22 ng kasalukuyang buwan.
Siniguro naman ng mga lokal na pamahalaan na buo ang kanilang suporta sa gagawing aktibidad.
Katunayan ay naglaan na umano ito ng pondo galing sa Special Education Fund upang alalayan ang mga tinitingnang suliranin sa hindi maayos o kakulangan sa mga silid-aralan, pasilidad, at kagamitan kagaya ng mesa at mga upuan.
Unang tutuganan ng partner agencies ang paglalaan ng pondo sa kinakailangang improvement ng mga paaralang una nang natukoy ng nasabing tanggapan.
Pinaalala rin ng naturang opisyal ang ‘No Collection Policy’ na kanilang pinapatupad.
Samantala, patuloy naman ang imbitasyon nito sa mga magulang na ipa-enrol na ang kanilang mga anak bago sumapit ang nakatakdang huling araw ng enrolment.
Kung maalala, ang Albay Division ang nangunguna sa bilang na may pinakamaraming enrollees sa buong Bicol na umabot na sa 100K na mga estudyant