LEGAZPI CITY- Tinawag ng isang dean na mockery ng democratic substitution ang nangyayaring political survival ng ilang mga politiko sa Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Kenjie Jimenea, Dean ng College of Arts and Sciences ng University of Nueva Caceres, tila pinaglalaruan na umano ng ilang personalidad ang eleksyon sa bansa dahil sa kaliwat-kanan na widrawal at substitution.
Itinuturong dahilan nito ang mahinang political system kung kaya’t nasasamantala ang substitution ng mga kandidato.
Dapat na umanong magkaroon ng pagbabago lalo na sa political party sa bansa upang maiwasan ang pagpapalipat-lipat ng partido na nagdudulot ng pagkalito sa mga botante.
Payo naman nito sa mga botante na suriing mabuti ang nangyayari sa politika sa bansa upang makapamili ng matibay na susunod na lider.