LEGAZPI CITY-Nanawagan si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Senado at Kamara na agad na amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang alisin ang systems loss charge at ang kaakibat nitong value-added tax (VAT) na ipinapasa sa mga konsyumer ng kuryente.
Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ngayong Lunes, sinabi ng Pangulo na hindi dapat pinagbabayad ang mga mamamayan sa nawawalang kuryente na dulot ng mga teknikal na problema sa transmission at distribution system o ng ilegal na koneksyon gaya ng jumpers at pagnanakaw ng kuryente.
Ayon kay Marcos, hindi kasalanan ng mga konsyumer kung bakit nagkakaroon ng systems loss kaya hindi makatarungang isama ito sa kanilang buwanang bayarin sa kuryente at patawan pa ng VAT.
Iginiit din niya na panahon na upang itigil ang pagpapasa ng naturang gastos sa mga end-user at tiyaking mababawasan ang pasanin ng mga pamilyang Pilipino sa harap ng mataas na presyo ng kuryente.





