Posible umanong muling tumakbo si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa darating na 2025 midterm election.

Ito ay sa kabila ng napakaraming kontrobersiya na kinakaharap ng suspendidong alkalde na iniuugnay sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators sa Bamban.

Maliban dito ay kinumpirma rin ng National Bureau of Investigation na nagtugma ang fingerprint ni Guo sa isang Chinese citizen na si Guo Hua Ping.

Ayon sa abogado ni Guo na si Atty. Stephen David, pinayuhan ang suspendidong alkalde ng kampo nito na muling tumakbo sa halalan sa susunod na taon.

Paliwanag nito na tanging ang mga mamamayan ng Bamban ang magdedesisyon kung muling iluluklok sa posisyon si Guo.