The suspect who shot two individuals in Tabaco City ask for forgiveness
The suspect who shot two individuals in Tabaco City ask for forgiveness

LEGAZPI CITY- Todo ang paghingi ng tawad ng suspek sa pamilya ng dalawang biktima na kaniyang binaril sa Barangay San Roque, Tabaco City, Albay.

Ayon sa suspek na labis siyang nagsisisi sa kaniyang nagawa.

Hindi umano niya nakilala ang mga biktima na asawa pa ng kaniyang mga pinsan.

Kwento nito na isang caliber 9mm na baril ang kaniyang ginamit sa insidente, na nabili umano niya sa Bataan noong taong 2004.

Sa kasalukuyan ay hawak na ng mga otoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.