LEGAZPI CITY-Agad na inaresto ng mga otoridad ang suspek sa nangyaring pamamaril sa 71-anyos sa na babae sa Bacacay Albay ilang oras matapos ang nasabing insidente.
Ayon kay Albay Police Provincial Office Director Police Colonel Noel Nuñez, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na ang layunin ng suspek ang takutin ang mag-inang biktima dahil sa land dispute.
Tinamaan ang dalawang mag-inang biktima sa kaliwang hita at ang isa naman sa kanang hita.
Matapos umano ang pamamaril, agad na nagpatungo ang polisya sa bulubundukin ng Barangay Bonga at isinagawa ang manhunt operation kung saan dito inaresto ang suspek at nakuha sa kanya ang 9mm na baril.
Inamin din aniya ng suspek na siya ang buminaril sa mag-inang biktima dahil sa away sa pag mamay-ari ng lupa.
Magkakilala din aniya ang biktima at ang naarestong suspek.
Sa ngayon, idinala na sa Bacacay Police Station ang suspek kung saan posibleng masampahan ito ng kasong frustrated murder o frustrated homicide depende sa hatol ng prosekusyon.
Nakikiusap rin ang mga otoridad sa mga kababayan na mayroong baril na i-surrender na ito sa polisya para maiwasan ang paggamit ng dahas kung uminit ang kanilang mga ulo at mauwi pa ito sa peligro o kaya na man mariin na pag-usapan na lang ito sa kanilang mga barangay o sa tanggapan ng polisya para sila ay agad na matulungan.











