LEGAZPI CITY - Nasa 36% na ag naibalik na suplay ng kuryente sa Albay matapos na maapektuhan ng sunod-sunod na kalamidad.
Aminado si Albay Power and Energy Corporation (APEC) Corporate Communications Officer Lesley Capus sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na pahirapan pang mai-restore ang suplay sa unang distrito dahil sa napinsalang main transfomer ng substation sa Malinao.
Subalit sa kabila nito, nakapag-energized na rin ng 11% sa nasabing distrito partikular na ang 21 barangay sa bayan ng Sto. Domingo.
Aabot naman sa 83% ang napailawan sa ikalawang distrito habang 18% sa ikatlong distrito.
Nilinaw ni Capus na huwag umasa ang buong barangay na mapailawan dahil posibleng may mga portion pa nito ang walang suplay kahit nakasabay pa sa listahan ng mga energized nang lugar.
Lubos namang ipinagpapasalamat ng APEC ang tulong ng mga electric cooperative sa mabilis na pagbabalik ng suplay ng kuryente sa Albay.