LEGAZPI CITY- Nag-iwan ng danyos sa mga coral reefs ang sumadsad na barko malapit sa Mangrovetum ng Punta Nursery, Masbate City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Masbate City Disaster Risk Reduction and Management Office Head Isiah Bigol, bandang alas-9:00 ng gabi ng mamataan ang pagsadsad ng MB Mobo na barko ng Kho Shipping sa mababaw na bahagi ng naturang lugar.

Sa isinagawang assessment ng tanggapan, namataan rin ang pagkasira ng ilang coral reefs sa naturang bahagi ng karagatan.

Dahil dito, hiling ng opisyal sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Enironment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa insidente.

Dapat aniya na mapanagot ang may-ari ng barko dahil sa kapabayaan at hindi pag-iingat .

Binigyang diin ni Bigol, na dapat na maging ma-ingat at alerto ang mga kapitan ng barko lalo pa’t hindi lang buhay ng tao ang nakokompromiso kundi ang mga marine biodiversity na daang taon ang ang kailangang hintayin bago makarekober.