Napanatili ng Strong Group Athletics Philippines ang malinis na record nito sa nagpapatuloy na 43rd William Jones Cup.

Idinispatsa kasi ng Pilipinas ang Chinese Taipei-B, sa score na 96-70.

Dahil dito ay hawak na ng Strong Group Athletics ang pitong magkakasunod na panalo.

Nanguna sa magandang opensa ng bansa si Chris McCullough na nakapagtala ng 25 points at pitong rebounds, habang nag-ambag naman si Kiefer Ravena ng 14 points at 13 points naman mula kay RJ Abarrientos.

Samantala, susunod naman na makakaharap ng Strong Group Athletics para sa titulo ang Chinese Taipei-A, na may pitong panalo rin at wala pang talo.