illegal drugs
illegal drugs

LEGAZPI CITY—Arestado ang isang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Cormidal, Tabaco City.


Ayon kay Tabaco City Police Station, Public Information Officer, Police Staff Sergeant Elaine Adriano, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nakumpiska sa suspek ang P57,000 halaga ng hinihinalang shabu na may bigat na 8.4 gramo.


Kinilala ang suspek na si alyas “Padi”, walang asawa, nasa legal na edad, at itinuturing na isang street-level individual.


Nasa kustodiya na ng Tabaco CPS ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Samantala, sinabi ni Adriano na ipagpapatuloy ng kanilang tanggapan ang mandato na mapuksa ang ilegal na droga sa komunidad.


Abiso rin ng opisyal ang publiko na agad na ipagbigay-alam sa kanilang ahensya kung may kilalang personalidad na sangkot sa mga ganitong uri na ilegal na aktibidad.