LEGAZPI CITY – Patuloy pang nadaragdagan ang mga stranded na pasahero at rolling cargoes sa bayan ng Pio Duran, Albay matapos makansela ang biyahe dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Aghon.
Ayon sa impormasyon na ipinadala ni Pio Duran MDRRMO Head Noel Ordoña sa Bombo Radyo Legazpi, sinabi nitong batay sa tala kaninang alas-5 ng umaga ay mahigit 500 na mga pasahero na ang stranded mua sa pantalan patungo sa Masbate at vice versa.
Samantala, upang masiguro naman ang seguridad ng mga stranded na pasahero ay pansamantala munang inilikas ang mga ito patungo sa TESDA building ng naturang bayan.
Mananatili umano ang mga ito sa naturang pasilidad hanggang sa tuluyang bumuti ang lagay ng panahon at payagan na ang pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat.