LEGAZPI CITY – Aabot na sa 2, 000 ang kabuuang bilang ng mga pasaherong naantala ang biyahe sa iba’t ibang pantalan sa Bicol dulot ng Bagyong Ramon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Legazpi mula sa Coast Guard District (CGD) Bicol, umakyat na sa 1,836 ang stranded passengers sa mga port ng Albay, Camarines Sur, Catanduanes at Sorsogon.
Pinakamalaking bilang ng naantalang pasahero ay naitala sa Matnog Port sa Sorsogon na umabot ng 1, 237.
Bukod rito, pinigilan ring bumiyahe ang nasa 403 rolling cargoes, 18 barko at dalawang motorized banca dahil sa nakabanderang gale warning dulot ng sama ng panahon.
Tiniyak naman ng PCG Bicol na itutuloy ang biyahe ng mga ito sakaling alisin na ang mga nakababalang storm warning signals at tuluyang bumuti ang lagay ng panahon.