LEGAZPI CITY- Balik na sa normal ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa lahat ng pantalan sa Bicol region.


Ayon kay Coast Guard District Bicol Commander Commodore Angel Viliran sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, alas-11 kagabi ng i-lift ng PAGASA ang nakataas na storm signal sa rehiyon kaya agad namang pinayagan ang pagbiyahe ng mga RORO vessel.


Dahil dito ay inaasahang makakatawid na patungong Visayas at Mindanao ang lahat ng mga pasaherong na-antala ang biyahe.


Samantala, ipinagpapasalamat naman ng opisyal na walang naitalang mga nasaktan at nawawala matapos ang epekto ng Bagyong Karding sa rehiyon.


Sa kabila nito ay naka-alerto pa rin ang Coast Guard District Bicol lalo pa at papasok na ang typhoon season na inaasahang makaka apekto sa rehiyon.