Sinunog ng galit na mga protesters sa Dhaka, Bangladesh ang TV station na pinapatakbo ng kanilang pamahalaan.
Naganap ang insidente isang araw lamang matapos manawagan si Prime Minister Sheikh Hasina sa publiko na kumalma sa gitna ng patuloy na protesta ng ilang mga mag-aadal, na nananawagan na pagkakaroon ng reporma sa civil service hiring.
Sinunog ng mga ito ang gusali ng BTV at ilang mga naka-park na sasakyan.
Maraming mga empleyado naman ang na-trap sa nasusunog na TV station, na ligtas namang nailikas ng mga otoridad.
Matatandaan na ipinag-utos ni PM Hasina ang pagpapasara sa mga paaralan at unibersidad sa gitna ng pagnanais ng kapulisan na ma-kontrol ang katahimikan sa bansa.