LEGAZPI CITY—Idineklara ng lokal na pamahalaan ng Pioduran, Albay ang state of imminent emergency dahil sa nararanasang sama ng panahon sa lugar.


Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Pioduran Head Noel Ordoña, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, idineklara ito dahil halos isang linggo nang walang trabaho ang mga mangingisda, fish processor, at fish vendor sa kanilang bayan.


Nakatakda ring ipamahagi ng lokal na pamahalaan ng Pioduran ang tulong para sa mga apektadong sektor.


Dagdag pa ng opisyal, nasa 800 pamilya sa sampung lugar na malapit sa dagat ang apektado ng masamang panahon.


Samantala, binalaan din ni Ordoña ang mga opisyal ng Barangay Disaster Risk Reduction Management na maging mapagmatyag at subaybayan ang impormasyon mula sa mga lehitimong ahensya ng gobyerno at agad itong ipaalam sa publiko partikular na sa mamamayan ng Pioduran.