LEGAZPI CITY—Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Masbate matapos tumama ang Bagyong Opong sa lugar.


Ayon kay Office of Civil Defense Bicol Spokesperson Gremil Naz, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ito ay matapos na magpasa ng isang resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan ng Masbate na isailalim sa state of calamity ang naturang lalawigan.

Ayon kay Naz, isa itong hakbang upang matiyak na magagamit ang 30% quick response fund ng buong lalawigan ng Masbate para sa kanilang early recovery.


Aniya, lahat ng pangunahing bilihin ay naka-price freeze upang matiyak na ang mga residente sa lalawigan ay makakabili sa tamang presyo sa mga pangunahing pangangailangan.


Samantala, tiniyak din ng opisyal ang mga may kamag-anak o kaibigan sa Masbate na patuloy ang pagbibigay tulong ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at iba pang response agencies sa lalawigan.