LEGAZPI CITY-Idineklara na ang State of Calamity sa Tabaco City sa Albay dahil sa patuloy na pag-alburuto ng Bulkang Mayon at pagdami ng mga evacuees.


Ayon kay Tabaco CDRRMO Head Gel Molato Jr., sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na inirekomenda ito dahil sa pangangailangan ng mga IBPs o Internally Displaced Persons lalo na ang kanilang lalawigan ang may pinakamalaking number of families sa evacuation centers.


Nasa 489 na pamilya o 1788 na indibiwal ang nasa evacuation centers sa kanilang lalawigan.


May alokasyon din umano ito na humigit-kumulang P18 Milyon kung saan dito kukunin ang standby fund para sa mga kakailanganin ng mga evacuees.


Aniya, ang nasabing alokasyon ay hindi uubusin bunsod ng iba pang mga darating na kalamidad ngunit kukunin ang 30% para sa quick response fund.


Ilalaan umano ito sa mga pangangailangan ng mga nasa evacution centers, para sa kanilang pagkain at iba pang mga pangangailangan.