LEGAZPI CITY- Sisimulan na ng mga lokal na opisyal ng Albay ang pagtalakay sa mungkahing i-lift na ang state of calamity sa lalawigan na unang idineklara dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Albay Public Safety and Emergency Management Office Research and Statistic Division head Eugene Escobar sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na natapos na ang decampment at patuloy na rin ang pagbaba ng aktibidad ng Bulkang Mayon.
Ito ay kahit pa nananatili pa rin sa alert level 1 ang status ng bulkan.
Ayon sa opisyal, na naantala lamang ang lifting ng naturang state of calamity dahil sa mga administrative process na kinakailangang asikasuhin.
Kaugnay nito ay target umano ng Sangguniang Panlalawigan na magkaroon ng mga delebirasyon at inaasahan na tuluyang mangyayari ang pagtanggal ng state of calamity sa susunod na linggo.
Nabatid na tumigil na rin ang mga operasyon ng lalawigan na may kinalaman sa pag-aalbuturo ng bulkan kaya inaasahan na babalik na sa normal ang sitwasyon.
Samantala, siniguro naman ni Escobar na kahit pa ma-lift na ang state of calamity ay mananatiling naka alerto ang mga lokal na pamahalaan sa mayon unit area upang i-monitor ang sitwasyon sa kanilang nasasakupan.