The Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Virac Catanduanes is on alert due to heavy rains in the province

LEGAZPI CITY-Maaapektuhan ng Southwest Monsoon o ‘Hanging Habagat’ ang lagay ng panahon sa buong bansa at sa Bicol region.


Ayon kay State Weather Bureau Weather forecaster Jaime Bordales, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, habang walang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ang bansa, maaapektuhan ng habagat ang buong bansa at magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan.


Sa Bicol, asahan ang maulap na papawirin, pagkidlat at pagkulog na tumatagal ng humigit-kumulang 2 oras.


Makakaranas ang rehiyon ng mababang temperatura na nasa 25 degrees Celsius at pinakamataas naman ang 33 degrees Celsius.


Sa karagatan sa rehiyon, inaasahan din ang bahagyang katamtamang pag-ulan at katamtamang alon na 1.5 metro an taas.


Dagdag pa ng opisyal, hindi pa tiyak ang pagpasok ng mga posibleng bagyo dahil sa kalagitnaan pa lamang ng Hulyo, at base sa kanilang forecast, sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto, inaasahan ang posibleng pagpasok ng 2 o 3 bagyo.


Aniya, sakaling magkaroon ng bagyo, karamihan sa ruta nito ay eastern visayas at probinsya ng Samar, na posibleng makaapekto sa Bicol region hanggang Southern Luzon at Calabarzon.