Photo courtesy of Sorsogon VG Wowo Fortes/FB

LEGAZPI CITY – Nagpositibo sa COVID-19 si Sorsogon Vice Governor Wowo Fortes.

Inanunsyo mismo ito ng opisyal sa kaniyang official social media page.

Minimal symptoms lang din umano ang nararanasan nito sa ngayon.

Kaugnay nito, pansamantala munang isinara ang Office of the Vice Governor para sa disinfection.

Samantala, nanawagan rin itong mag-self isolate muna ang mga close contacts nito.

Nagpasalamat rin ito sa mga nagpaabot sa well-wishes sa agarang paggaling.