LEGAZPI CITY – Kumpiyansa ang lalawigan ng Sorsogon na muli nitong makukuha ang titulo mula sa Guinness Book of World Records kasabay ng papalapit ng ika 50 taon ng kasanggayahan festival.
Ito matapos na tanggapin ng Guinness ang aplikasyon ng lalawigan para sa titulong Largest Nut Brittle/Praline in the World gamit ang Pili nut.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Sorsogon Provincial Tourism Officer Bobby Gigantone, puspusan na ang kanilang preparasyon habang inaantay ang magiging guidelines para sa pagtangkang makuha ang titulo.
Inaasahan naman na mayroong darating na mga adjudicators mula sa Canada upang personal na busisiin ang lahat ng bagay at matukoy ang halaga ng gagawing ito.
Pagbibigay diin pa Gigantone na malaking bagay ang world record upang makilala ang Sorsogon globally at ang mismong Pili nut product mula rito.
Ayon pa sa Philippine Statistics Authority sa 2016 report na ang probinsya ang top producer ng Pili Nut Raw Materials na mayroong 63.32% share sa Bicol Region production.
Matatandaan na hawak parin hanggang sa ngayon ng Sorsogon ang World record sa largest Philippine folk dance.