LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Sorsogon Provincial Department of Health Office na wala pang outbreak ng diarrhea sa bayan ng Castilla.
Kasunod ito ng mga naglabasang ulat na nasa mahigt 100 na umano ang kaso ng diarrhea sa lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Sorsogon Provincial DOH Office Development Management Officer V Dr. Gladys Escote, kinakailangan pa na i-validate ang naturang bilang para malaman kung totoong diarreha o Loss Bowel Movement (LBM) ang nararasan ng naturang mga indibidwal.
Kaugnay nito, nagsasagawa na ngayon ng aksyon ang tanggapan katulong ang mga health workers kung saan magbabahay-bahay upang maberipika ang umano’y 100 kaso ng diarrhea sa bayan.
Ayon kay Escote, kinakailangan na repasuhin ang naturang ulat lalo pa’t kulang ang mga natanggap na impormasyon tungkol sa listahan ng mga kaso ng diarrhe sa lugar.
Ito ay upang malaman kung bunsod sa diarrhe o may iba pang rason ang mga nararanasang bowel problems ng ilang indibidwal sa lugar.
Maging ang dalawang indibidwal na namatay dahil umano sa diarrhea ay ay biniperipika na rin.
Samantala, plano na magsagawa ng chlorination at sampling sa mga barangay na umanoy may pinakamataas na kaso ng naturng sakit.
Abiso ng tanggapan na ugalian ang palagian na paghuhugas ng kamay, panatilihin ang malinis na paligid at pakuluan ang iniinom na tubig lalo na kung mula sa gripo.