LEGAZPI CITY – Naglatag na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Sorsogon ng mga paghahanda sakaling lumala pa ang mga ipinapakitang abnormalidad ng Bulkang Bulusan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Engr. Raden Dimaano ang head ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, ngayong linggo ng magsagawa na ng meeting ang provincial government at mga ahensya ng gobyerno upang tukoyin ang mga dapat gawin sakaling pumutok ang bulkan.
Kasama sa mga gagawing hakbang ay ang paglalagay ng Emergency Operations Center sa Casiguran na mas malapit sa bulkang Bulusan.
Nakahanda na rin ang mga evacuation centers sakaling kailanganing magpalikas ng mga residente, pinayohan na ang mga opisyal ng lokal na gobyerno ng mga dapat gawin at matagal na rin na nakapamahagi ng face mask.
Ayon kay Dimaano, nananatili pa rin sa ngayon sa Alert level 1 ang bulkan na nakitaan ng pamamaga at nakakapagtala ng mga volcanic earthquakes.
Mahigpit naman ang payo ng mga ototidad lalo na sa mga turista na iwasan na muna ang pumasok sa 4km permanent danger zone ng Bulkang Bulusan dahil sa panganib na dala ng mga aktibidad nito.