LEGAZPI CITY- Nagpadala na rin ng dagdag na mga kapulisan ang Sorsogon Police Provincial Office upang makatulong sa pagsiguro ng peace and order sa Naga City kaugnay ng Peñafrancia festival.
Nabatid na mahigit 200 na mga kapulisan mula sa Sorsogon ang ipinadala kasabay pa ng mobility at dagdag na mga kagamitan.
Ayon kay Sorsogon Police Provincial Office Spokesperson Police Major Darwin Destacamento sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na tutulong ang naturang mga kapulisan na masiguro ang kaligtasan at seguirdad ng mga deboto at mga turista na makikiisa sa naturang aktibidad.
Mahigpit naman aniya ang paalala sa naturang mga kapulisan na patuloy na ipakita ang kanilang dedikasyon at maging mapagmatyag.
Nahakanda umano ang naturang mga personnel mentally at physically lalo na sa isasagawang fluvial procession.