LEGAZPI CITY – Niyanig ng manitude 5.4 na lindol ang lalawigan ng Sorsogon nitong gabi ng Lunes.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naitala ang epecinter ng lindol sa layong 37 kilometro Hilangang Silangan ng bayan ng Prieto Diaz bandang alas 10:37 ng gabi.
77 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Naramdaman ang Intensity 5 sa Sorsogon City, Intensity 4 sa Legazpi City, Virac, Catanduanes, Naga City, Catarman, Northern Samar, Intensity 3 sa Bulusan, Irosin, Sorsogon, Catbalogan City at Intensity 2 sa Palo, Alangalang, Babatngon, Calubian at Dagami Leyte.
Wala namang inaasahang pinsala sa mga ari-arian.
Sinabi pa ng ahensya na asahan ang mga aftershocks matapos ang pagyanig.