LEGAZPI CITY – Nagsasagawa na ngayon ng mga hakbang ang probinsya ng Sorsogon dahil sa dumaraming kaso ng coronavirus disease 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Regina Gonzalgo, Health Education and Promotion Officer ng Sorsogon Provincial Office, nasa 11 ang naitalang panibagong kaso ng Covid-19 sa probinsya.

Napag-alaman na mga symptomatic ang nasabing mga pasyente ngunit sa kasalukuyan ay nasa maayos nang kalagayan.

Sinasabing isa sa mga dahilan ng pagtaas ng kaso sa probinsya ay ang dahil sa hidi pagsunod sa mga health protocols.

Kasama na rito ang pagpapabakuna, pagsusuot ng face mask, pag-iwas sa mga siksikan at iba pa.

Ayon kay Gonzalga, importante pa rin ang pagsasagawa ng mga precautionary measure upang maiwasan ang pagdami pa ng mga mahahawaan ng sakit.

Binigyang-diin din ng opisyal na dapat na magpabakuna na ang mga hindi pa nagpapabakuna kontra COVID-19 upang hindi na mahawa at magkaroon ng malalang epekto ng sakit.