LEGAZPI CITY- Binigyan ng komendasyon ng Sangguniang Panglungsod ng Sorsogon ang Philippine Drug Enforcement Agency Sorsogon matapos maideklara ang lunsod bilang pinaka unang drug cleared city sa Bicol region.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Sorsogon officer Adrian Fajardo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ang lungsod rin ang pinaka unang drug cleared city sa buong Southern Luzon matapos ang assesment ng Regional Oversight Committee on Drug Clearing.

Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na hindi sila magpapaka kampante at patuloy pa rin ang monitoring at validation sa mga barangay sa tulong ng Barangay Anti-Drug Abuse Council.

Dagdag pa ng opisyal na hindi titigil ang ahensya sa surveillance sa mga personalidad na dating nasangkot sa iligal na aktibidad.

Samantala, sinabi ni Fajardo na tinututukan ng tanggapan ang posibleng pagpupuslit ng mga sindikato ng iligal na droga papasok ng lungsod ng Sorsogon.