LEGAZPI CITY- Negatibo pa rin sa Red Tide Toxins o Paralytic Shellfish Poising (PSP) ang mga shellfish sa baybaying dagat ng Sorsogon, Juag Lagoon sa Matnog, Sorsogon, baybaying dagat ng Milagros at Mandaon, Masbate.

Ito ay base sa latest Shellfish Bulletin No. 12 na ipinalabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Nangangahulugan ito na pinapahintulutan ng ahensya ang pagkain ng shellfish at alamang na galing sa mga nasabing dagat.

Samantala, nagpaalala ang ahensya na siguraduhing maayos ang pagkakalinis at pagkakaluto ng mga shellfish upang makaiwas sa food poisoning.