LEGAZPI CITY- Iniimbestigahan na ngayon ng mga otoridad ang nasa likod ng mga scam sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon kay Sorsogon First District Board Member Ed Atutubo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na tumawag sa kaniya ang isang staff ng alkalde ng bayan ng Castilla upang kumpismahin kung siya ang nagpapa-order ng nasa 80 sako ng bigas.

Dito na umano ibinigaysa kaniya ang numerong ginamiy ng mga scammer ay ipina-trace sa mga otoridad.

Nadiskubre naman na marami na pala ang nabiktima ng mga scammers sa iba’t ibang lugar tulad ng Pangasinan, Cotabato, Camarines Sur, La Union, at iba pa.

Ipinagpapasalamat naman ng opisyal na hindi nagtagumpay ang mga scammers sa paggamit sa kaniyang pangalan.

Samantala, sinabi ni Atutubo na plano niyang maghain ng resolusyon upang pagpaliwanagin ang National Telecommunications Office kung bakit marami pa rin ang mga scammers sa kabila ng pag-iral ng Sim Card Registration Law.