
LEGAZPI CITY- Naibulsa ng Sorsoganon athlete na si Rose Jane ‘RJ’ Barcelona ang ikalawa nitong medalya sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2025 sa Ilocos Norte.
Nitong umaga lang ng makuha ni RJ ang silver medal sa triple jump event sa laro na ginanap sa Marcos Stadium, Laoag City.
Sa kasalukuyan ay mayroon na itong dalawang medalya matapos maitala kagabi ang gold medal performance sa long jump.
Samantala, may pag-asa pa itong madagdagan ang medalya para sa Bicol vulcans dahil sa nakatakda niyang laro sa 100m run bukas.