Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address na simula ngayong araw ay banned na ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGOs) sa bansa.
“All POGOs are banned;” ayon sa pangulo.
Kaugnay nito ay bibigyan aniya ng direktiba ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ipahinto ang operasyon ng lahat na mga POGO hubs sa pagtatapos ng taon.
Paliwanag ni Pangulong Marcos na nagpapanggap ang mga POGO bilang legitimate entities subalit nagkukubli ang iligal na mga aktibidad katulad na lamang ng financial scamming, money laundering, prostitution, human trafficking, kidnapping at maging murder.
Aniya, kinakailangan na matigil na ang panggugulo ng mga ito sa lipunan at paglapastangan sa sistema ng bansa.