Hinamon ni Justice Department Secretary Jesus Crispin Remulla si dating Presidential Spokesperson Atty Harry Roque na umuwi ng bansa at harapin ang mga kasong kinakaharap nito.
Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos ang planong paghahain ni Roque ng Political Asylum sa The Netherlands.
Ayon kay Remulla, dapat hindi na pag-usapan si Ruque dahil irrelevant na ito sa usapin ng ICC.
Huling nakita ng publiko si Roque sa The Hague, Netherlands ng humarap ito bilang legal counsel sana ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ito ay may kinakaharap na human trafficking case sa bansa matapos na madawit sa iligal na operasyon ng POGO.
Bukod dito ay mayroon rin itong arrest order na inilabas ng House Quad Committee dahil sa pagtanggi nitong dumalo sa mga ikinasang pagdinig ng komite.
Wala pang komento sa ngayon ri Roque hinggil sa naging panawagan ni Remulla.