LEGAZPI CITY – Nanawagan ang isang University Professor sa mga magulang na mahigpit na bantayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng social media.

Kasunod ito ng naging pasya ng social media giant na X (Twitter) na payagan ang pag-upload ng mga adult content sa kanilang platform.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Prof Danilo Arao, professor ng Media Literacy sa University of the Philippines, sinabi nito na nakaka alarma ang pasta ng X lalo pang maraming mga kabataan ang gumagamit ng naturang social media platform.

Posible umanong makasama sa pag-iisip ng mga kabataan at maka apekto sa kanilang pagkatao sakaling makapanood ng mga adult contents na hindi pa sana pwedeng ma-access ng mga menor de edad.

Abiso ni Arao sa mga magulang na ugaliing i-check ang social media sites na ginagamit ng kanilang mga anak at magkaroon ng direktang kontrol sa gadgets ng mga ito.

Iginiit nito na sa makabagong panahon, responsibilidad ng magulang ma maituro ang tama sa kanilang mga anak na hindi pa nakaka unawa sa mga nakikita sa social media.