Malaki umano ang gagampanang papel ng gamit ng social media sa kampanya para sa 2022 national at local elections.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), magiging “great equalizer” ito sa mga kandidato na nagtitipid sa campaign trail.
Hindi malayong maging takbuhan ang makabagong platform dahil na rin sa pagbabawal pa sa mass gatherings at mahigpit na health protocols ngayong may pandemic.
Samantala, babantayan pa rin ng COMELEC ang gastos ng mga kandidato sa political ads sa social media sa pamamagitan ng mga isusumiteng statement of contributions and expenditures (SOCE).
Naglabas na rin ng guidelines sa pagmonitor ng political ads sa social media dahil wala pang batassa ngayon na nakakasakop sa spending limits ng kandidato sa nasabing paltform.